Saturday, April 13, 2013

Graduation Day


Wow! I can't believe that I've spent the last 16 years in my life studying on four-cornered rooms filled with noise, stress, fun, excitement, amazement, happiness, nervousness, cramming, achievements, failures, appointments, ignorance, priorities, and all the whatchamacallits of a student's life. I can't even remember the first day of my first ever day at school.  Maybe that time I felt excited and scared at the same time, I can't really say because I was so young then. When I was in elementary, my life was really simple. I belong to the first section so I was really obliged to study well. I met people, whom eventually I've considered to be my long- time friends. I was able to go to a high school with a good reputation. I learned a lot, I met a lot of people and I, luckily, was able to find new friends whom I'm still best friends with until now. And then I went to college, and it felt like day 1 all over again. I was excited and scared, and by this time, I've already remembered what I felt on my first day in college. And unlike most of the students who already knew people around, I was completely alone. I was the only one in our classroom who attended that college. And were just two in our batch who went to the same university. The other one was a Psychology student who eventually transferred schools. But at the first day of that scary and exciting road, I met wonderful people whom I've learned how to love and care for. And today, as I can officially be called a degree holder. I am proud to say that the things I have experienced along the way are incomparable, if not, is the beyond equal to what I have learned: independence to do things that I can, acceptance of the things I will face, ignorance for things that doesn't really matter, gratitude for the blessings, perseverance to do what I want, and love for the people who love me and even for those who don't.

Kanina, sa sasakyan habang papuntang school sabi sakin ng tatay ko ang mahalaga grumaduate ako. Pinagpaguran naming lahat 'yun. Ako, ang Mama at Papa ko, ang Nanay ko, Si Tita Carol, Tita Glo, mga Kuya ko at lahat ng mga kamag-anak ko na sumusuporta sakin.

Naisip ko lang, tuwing naalala ko ang mga 100++ papers na natapos natin, reports na na-i-present natin , papers na na-i-defend natin, assigments na pinasa natin, ang lahat ng pagpupuyat at minsanang pagkakaidlip sa tapat ng computer at laptop at paggising ng maaga para sa 7 A.M. class. Napapatunayan ko sa sarili ko na nag-aral din naman akong mabuti. hindi nga lang sa paraang ginawa ng mga honor graduates na nakatanggap ng medalya at pumanhik ang magulang sa stage upang isabit ito. Kabilang ako sa mga graduates na isang beses lang pumanhik sa stage, at iyon ay para kuhanin ang aking diploma habang inaabot ito ng presidente ng pamantasan ko. Kabilang ako sa nakararaming walang "special seat" during graduation. Nakaupo ako alinsunod sa alphabetical order. Mga estudyanteng ang role lamang ay isa-sang palakpakan ang mga sinasabitan ng medalya habang kami ay napalakpakan lamang isang beses pagkatapos matawag lahat ng mga pangalan ng ka-section ko. Siguro nga medyo bitter ako kasi wala akong medal at wala akong solo picture kasama ang mga tao sa stage. May picture naman ako sa stage, after na nga lang ng graduation. Pero wala na sigurong mas hihigit pa sa medalya maaari mong isuot araw- araw ang taas- noo. At ito ay ang dignidad na napanatili mo sa buong pag-aaral mo. Na kahit kailan di mo hinabol ang iyong professor para i-adjust ang grades mo o di kaya'y nangopya o nandaya para pumasa. At wala na siguro pang mas hihigit pa sa award ng pagmamahal ng iyong magulang, ng aking magulang na kahit kailan ay hindi ako pinilit gawin ang ayaw ko at kahit kailan ay hindi ako prinessure. Salamat sa Diyos naka-graduate ako ng matiwasay. 









      CONGRATULATIONS BATCH 2013! :)